“Salamat talaga sa Scratchit game! Dito, malalaman mo agad kung ikaw ay panalo! Dinadasal ko na mas marami pa kayong matulungan.” – Brando Booc
Sa patuloy na pagiging daan sa mas magandang buhay, muling nagdala ngswerte ang Scratchit KaskaSwerte sa isang ‘kaskasero’ sa Cagayan de Oro. Noong July 04, 2014, panalo ng Php200,000.00 ang 37-anyos na si Brando.
Sa pagtitinda ng siomai kumikita ang pamilya ni Brando. Sapat lang ito para sa pangangailangan nila. Araw-araw, dalawang beses siya naglalaro ng Scratchit, kaya laking tuwa niya nang siya ay nanalo. Gumamit pa siya ng magnifying glass para masigurado na talaga nakuha niya ang winning combination.
Malaki ang nagbago sa buhay ni Brando. Nabayaran niya ang mga utang niya at nadagdagan pa ang kanyang tindahan ng siomai. Dahil sa swerteng hatid ng Scratchit, mas nagging determinado siyang magsumikap at gamitin ang biyayang natanggap para sa ikauunlad ng kaniyang buhay.
Gaya ni Brando Booc, pwede rin umangat ang buhay mo, kaya sugod na sa pinakamalapit na Scratchit KaskaSwerte station!